3 BIFF members sumuko sa militar dahil sa hirap ng buhay sa kabundukan
Sumuko sa militar ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.
Hindi na kinilala ang tatlo maliban sa isang Alyas Junior na tumatayong lider ng isang paksyon ng BIFF sa Liguasan Marsh na sentro ng opensiba ng pwersa ng pamahalaan sa loob ng dalawang linggo.
Inihayaga ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, ang tatlo ay naunang lumapit sa hindi kilalang lokal na opisyal sa kahandaan na magbalik-loob sa pamahalaan.
Isinuko din ng mga ito ang limang armas at mga bala.
Ani Sobejana, lima sanang BIFF ang susuko pero nahihirapan ang mga ito na makalabas sa grupo.
Sinabi ng mga sumuko na nagbalik-loob sila sa pamahalaan dahil sa hirap ng buhay sa kabundukan at patuloy na opensiba ng militar.
Ang tatlo ay nasa kustodiya na ngayon ng 602nd Infantry Brigade sa Maguindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.