Pagbili ni Sereno ng bullet-proof na SUV labag sa procurement law ayon sa COA

By Jimmy Tamayo June 23, 2018 - 11:56 AM

Inquirer file photo

Labag sa procurement laws ang pagbili ng pinatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng bullet proof car na nagkakahalaga ng P5 Million.

Sa apat na pahinang Audit Observation Memorandum, sinabi ng Commission on Audit na paglabag sa Government Procurement Reform Act ang pagbili ng P5.1 milyon na Toyota Land Cruiser para kay Sereno na idinaan bilang approved budget for the contract ng walang pinagbatayang “market analysis.”

Katwiran pa ng COA, ang agad na pag-apruba sa pondo para sa naturang sasakyan ay hindi rin nagbigay daan para sa isang public bidding.

Bukod pa ang paglalagay ng armor sa nasabing sasakyan kung saan ang base price ng nasabing Sports Utility Vehicle ay umaabot na sa P5.1 Million

Ang pagbili ng bullet-proof vehicle ay isa sa mga ginamit na rason sa inihaing impeachment complaint laban kay Sereno.

Noong nakalipas na Miyerkules ay isinauli na ni Sereno ang nasabing SUV sa Supreme Court makaraang pagtibayin ang desisyon na siya’y mapatalsik sa pwesto.

TAGS: COA, Land Cruiser, Sereno, Supreme Court, suv, COA, Land Cruiser, Sereno, Supreme Court, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.