P20 Million na halaga ng cocaine nasabat sa Infanta, Quezon
Aabot ng mahigit sa P20 Million na halaga ng cocaine ang nakumpiska ng pulisya sa isang buy bust operation sa bayan ng Infanta sa Quezon Province.
Kinilala ni Quezon Provincial Police Director, Senior Supt. Osmundo de Guzman ang naarestong suspek na si Aldrin Taharan, 48-anyos.
Nakuha kay Taharan ang apat na bulto ng cocaine na tumitimbang ng 4 na kilo at may street value na aabot ng P21.2 Million.
Ang operasyon ay isinagawa sa Barangay Dinahican ng Special Operations Unit at ng Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office 4 kung saan nagpanggap na buyer ang ilang operatiba ng PNP.
Ayon sa pulisya, ang droga ay bahagi ng kontrabando na inabandona sa Lamon Bay sa nasabing lalawigan nakaraang buwan.
Noon nakaraang Abril ay natagpuan ng mga mangingisda na palutang-lutang sa dagat ang 28 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P280 Million at 16.5 na litro ng liquid chemicals na kayang gumawa ng 13 kilos ng shabu.
Nakuha rin ang mga mangingisda ang makabagong tracking device na ginagamit para matunton ang drug shipment.
Ito ang unang pagkakataon na may nakuha sa bansa ng ganitong uri ng kagamitan.
Dahil dito, nakumpirma na idinadaan ng mga sindikato sa karagatan ang paghahatid ng iligal na droga.
Nabatid din na isa si De Guzman sa naka-recover ng iligal na droga at kalaunan ay ibinenta ito ng P1.5 Million bawat kilo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.