Mula sa number 1, nasa ikawalong puwesto na lamang ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa tinaguriang ‘world’s worst airport’ ng isang traveller’s website.
Sa pinakahuling tala ng website na ‘Guide to Sleeping in Airports,’ mula sa ikatlo noong nakaraang taon, nasa number 8 na lamang ang NAIA Terminal 1.
Noong 2011 hanggang 2013, ang NAIA ang tinaguriang ‘world’s worst airport’ batay sa kanilang ginawang survey.
Batay pa rin sa website, ang pagbabago sa rating ng NAIA ay dahil sa pagsasaayos ng Terminal 1 at ang pagkakaroon ng bagong Wings Transit Lounge sa Terminal 3.
Gayunman, may ilan pa ring obserbasyon ang mga manlalakbay na nais nilang bigyan ng kaukulang tugon ng pamunuan ng NAIA.
Ilan dito ay ang kakulangan ng mga shuttle bus na maghahatid sa mga pasahero na may mga connecting flight at ang kakapusan ng mga taxi sa mga terminal.
Ayon kay David de Castro, tagapagsalita ng General Manager ng Manila International Airport Authority, isang ‘welcome development’ ang pagkakatanggal ng NAIA sa unang puwesto bilang ‘worst airport’.
Ang Tribhuvan International Airport sa Kathmandu, Nepal ang Asia’s worst airport sa ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.