Mangingisda, nahulihan ng P21M halaga ng cocaine sa Quezon

By Isa Avendaño-Umali June 22, 2018 - 10:41 PM

Arestado ang isang lalaki sa isang buy-bust operation sa Infanta, Quezon, matapos makumpiska mula sa kanya ang mga hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng mahigit dalawampu’t isang milyong piso.

Kinilala ang suspek na si Aldrin Taharan, kwarenta’y otso anyos na mangingisda mula sa Laguna, na naaresto ng mga kasapi ng Special Operations Unit at Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office o PRO 4.

Ayon kay Quezon police chief Senior Supt. Osmundo de Guzman, hinuli si Taharan dakong alas-dos ng hapon ng Biyernes (June 22), makaraang makapagbenta siya ng cocaine sa isang pulis na umaktong buyer.

Nakuha mula sa suspek ang nasa apat na bricks ng hinihinalang cocaine na tumitimbang ng apat na kilo, at may estimated value na P21.1 million.

Sinabi ni PRO4A Regional Director Police Chief Supt. Edward Carranza, binibenta ni Taharan ang cocaine nang “tingi-tingi” at humihirit pa sa mga kostumer nito na i-endorso siya sa iba lalo na sa mga banyaga.

Kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampang kaso laban sa suspek.

TAGS: buy bust, cocaine, Quezon, buy bust, cocaine, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.