Land Cruiser na ginamit ni Sereno, isinauli na sa Korte Suprema
Naisauli na ni dating Supreme Cour Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema ang ginamit niyang Toyota Land Cruiser na binili noong siya pa ay punong mahistrado.
Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsalita ni Sereno, isinauli ni Sereno ang Land Cruiser sa SC noong June 20, isang araw matapos mailabas ang final ruling sa quo warranto case laban sa kaniya.
Ang naturang sasakyan ay kasama sa mga inilatag na dahilan sa impeachment complaint na inihain kay Sereno ni Atty. Larry Gadon.
Nagkakahalaga itong P5 milyon ay ginamit na service ni Sereno habang siya ay nasa pwesto.
Sa inilabas na ulat ng Commission on Audit, sinabi nitong hindi nakasunod sa procurement law ang pagbili sa sasakyan.
Sinabi ng COA na binili ang sasakyan nang hindi nagsasagawa ng “market analysis”.
Sa apat na pahinang page Audit Observation Memorandum ng COA, nakasaad din na ang contract for purchase para sa sasakyan ay anim na buwang late bago naisumite sa auditor at kulang din sa mga supporting document.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.