2 NPA patay, 4 sugatan sa engkwentro sa North Cotabato

By Rohanisa Abbas June 22, 2018 - 10:28 AM

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army habang sugatan ang apat na iba pa sa air assault ng militar sa Tulunan, North Cotabato.

Ayon sa 901st Brigade ng Philippine Army, nakatanggap isla ng ulat na nagpupulong ang Guerilla Front Committee 72 ng komunsitang grupo sa Barangay Banayal.

Layon ng pagpupulong ang pagpapakuha ng litrato ng NPA para ipakita ang kanilang pwersa sa publiko.

Gayunman, ayon kay 39th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lt. Col. Rhojun Rosales, ikinakasa rin ng komunistang grupo sa pagpupulong ang pagsalakay sa kampo ng militar.

Bunsod nito, sinalakay ng mga sundalo ang NPA na nauwi sa isang oras na engkwentro.

Gumamit ng dalawang helicopter gunship ang militar at binomba ng mga rebelde.

Ayon sa mga sibilyan, dalawang myembro ng NPA ang nasawi at apat ang nasugatan.

Umatras naman an rebeldeng grupo.

Patuloy naman ang clearing operation ng militar laban sa NPA sa Tulunan.

TAGS: North Cotabato, NPA, North Cotabato, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.