Mahigit 20 miyembro ng Maute Terror Group sumuko
Sumuko sa mga awtoridad ang mahigit 20 miyembro ng Islamic State linked Maute Terror Group sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, karamihan sa mga nagsisuko ay mula sa mga bayan ng Marantao at Piagapo.
Ang pagsuko ng mga Maute members na ito ay naganap sa kasagsagan ng bakbakan ng militar at ng grupo ni Abu Dar sa mga bayan ng Pagayawan at Tubaran.
Samantala, mayroon ding nahuling hinihinalang miyembro ng Maute group na nakihalo sa mga residenteng nagsilikas at nagpanggap na evacuees.
Ayon kay Brawner, malaking tulong na mismong ang mga residente ang nagtuturo sa mga awtoridad tungkol sa pagkakakilanlan ng mga hinihinalang terorista.
Kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon ang mga hinihinalang terorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.