EO na nag-aatas na huwag paghiwa-hiwalayin ang mga migranteng pamilya iniutos ni Trump
Nilagdaan ni U.S. President Donald Trump ang kautusan para ipagbawal ang paghihiwalay sa mga migranteng mga bata sa kanilang mga magulang sa US border.
Kasunod ito ng pagkondena sa administrasyon ni Trump mula sa mga kapwa niya Republicans, mga mambabatas mula Democrats at maging sa international community.
Kumalat kasi ang balitang libu-libong mga bata ang inihihiwalay sa kanilang mga magulang na ilegal na pumasok sa US border mula May 5, 2018.
Maging ang mga larawan ng mga bata ay kumalat din sa social media.
Sa executive order ni Trump ipinag-utos nito na panatilihing magkakasama ang bawat pamilya.
Ang responsibilidad sa mga migranteng pamilya ay iniatang ni Trump sa Department of Homeland Security.
Sa kabila ng paglagda sa nasabing kautusan nanindigan si Trump na mananatili ang mahigpit na polisiya ng Amerika sa mga illegal immigrant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.