LPA malapit sa Tuguegarao City, patuloy na binabantayan ng PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area na namataan sa layong 485 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Tuguegarao City.
Batay sa 4AM weather update ng PAGASA, maaapektuhan ng trough ng LPA ang Bicol Region habang iiral ang habagat sa Hilaga at Kanlurang bahagi ng Northern Luzon.
Dahil dito inaasahan ang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa mga nabanggit na lugar na apektado ng LPA at Habagat.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay mainit at maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa ulang dulot ng localized thunderstorms.
Sa Visayas at Mindanao naman ay mainit at maalinsangan din ang panahon maliban na lamang din sa ulang dala ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.