LP ipinagtanggol si dating Pangulong Aquino sa isyu ng DAP

By Rhommel Balasbas June 21, 2018 - 03:52 AM

Ipinagtanggol ng Liberal Party si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP) at sinabing layunin lamang ng programa na maihatid ang mga serbisyo at imprastrakturang kailangan ng mga mamamayan.

Ito ay matapos ipag-utos ng Ombudsman na ipagharap si Aquino sa kasong Usurpation of Legislative Powers sa ilalim ng Article 239 ng Revised Penal Code.

“The DAP was crafted with the intention to deliver the services and infrastructure needed by the people and guided by the laws available to the executive,” ayon sa Liberal Party.

Sa kanilang pahayag ay ipinagtanggol ng LP ang dating pangulo na pinayagan umano ang programa dahil sa magandang layunin.

Iginiit naman ng partido na patutunayan ni Aquino sa korte na wala itong ginawang kahit anong iligal at irerespeto nito ang proseso ng batas gayundin ay mahayaan itong maipaliwanag ang kanyang panig.

“He will respect the process, as he expects that his reasoning be also given due course,” dagdag pa ng LP.

Ang DAP ay idineklarang ‘unconstitutional’ ng Korte Suprema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.