Pangulong Duterte wala nang pakialam sa mga trust rating
Wala nang pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga trust rating.
Sa talumpati ng pangulo sa 2nd Quarterly National Executive Officers and National Board Meeting of the Philippine Councilors League (PCL) and the 5th Local Legislative Education Program sa Iloilo City, sinabi nito na wala na siyang aalalahanin na eleksyon.
Pagkatapos kasi aniya ng kanyang termino, sementeryo na ang susunod.
Ayon sa pangulo, tanggap niya kahit na maging zero pa ang kanyang rating basta’t magtatrabaho siya at tutuparin ang kanyang mandato.
Sakali man aniyang bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano, sinabi ng pangulo na si Vice President Leni Robredo na ang papalit sa kanyang puwesto at tiyak aniyang magpapalakpakan ang mga taga-Bicol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.