Pangulong Duterte sinabing hindi siya galit sa mga pari

By Chona Yu June 21, 2018 - 03:44 AM

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring pinatay ang ilang pari dahil sa kanilang adbokasyia.

Giit ng pangulo, wala siyang polisiya na galit siya sa mga pari.

Sa katunayan, sinabi ng pangulo na kanyang nirerespeto ang simbahang katolika.

Apela ng pangulo sa mga obispo, itigil na ang pag-uugnay sa gobyerno sa pagpatay sa mga pari.

Ayon sa pangulo, hindi niya kayang pumatay ng mga pari, bata, at babae.

Pero ang matatanda at ang mga drug lord ay sinabi ng pangulo na ‘with pleasure’ pa ang kanyang pagpatay lalo na ang mga bigtime na drug lord.

Tinanong din ng pangulo ang mga dumalo sa kanyang talumpati kung nasaan ang kanilang mayor.

Bagaman hindi pinangalanan, ang tinutukoy ng pangulo ay si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na nasa ibang bansa na ngayon matapos ihayag ng pangulo na isa siya sa mga nasa narco list.

Ayon sa pangulo, kapag nakita niya si Mabilog ay papatayin niya ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.