Harry Roque tutol sa panukalang fake news law

By Jan Escosio June 21, 2018 - 04:01 AM

Mariin ang pagtutol ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagkakaroon ng batas laban sa fake news.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Roque na kapag naging batas ang mga panukala laban sa fake news, tanging ang mga taga oposisyon lang ang makakasuhan.

Paglilinaw pa nito na ito ang realidad dahil kapag kakampi ka ng administrasyon ay hindi nakakasuhan.

Aminado naman ito na alam niya na mga opposition senators ang nagsusulong sa panukala.

Samantala, nilinaw ni Senador Antonio Trillanes IV na siyang chairman ng Senate Committee on Civil Service, gusto lang nilang magkaroon ng batas na magpapanagot sa mga opisyal ng gobyerno na gumagawa at nagpapakalat ng mga pekeng balita.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.