Santo Papa binatikos ang pagkawatak ng mga pamilya dahil sa immigration policy ng Estados Unidos

By Justinne Punsalang June 21, 2018 - 04:02 AM

AFP Photo

Hindi napigilan ni Pope Francis na magkomento at batikusin ang umiiral na immigration policy ni US President Donald Trump kung saan nagkakawatak-watak ang mga pamilya, partikular ang mga bata mula sa kanilang magulang sa mismong border ng Estados Unidos.

Sa isang tweet ay ipinahayag ng Santo Papa na hindi nakadepende ang dignidad ng isang tao sa pagiging isang citizen, o migrant, o refugee nito.

Aniya, isang ‘act of humanity’ ang pagsagip sa buhay ng isang taong lumikas upang makatakas mula sa kahirapan o giyera sa kanyang lugar.

Mahigit 2,000 mga bata na ang kinuha at hawak ng pamahalaan ng Estados Unidos nang walang kasamang mga guardian. Sa ngayon ay walang malinaw na plano ang Trump administration kung muli pa bang makakasama ng mga bata ang kanilang mga pamilya.

Sumang-ayon si Pope Francis sa mga pahayag ng mga Katolikong Obispo sa US na taliwas sa values ng mga Katoliko ang ginawang paghihiwalay ng mga bata mula sa kanilang mga magulang.

Samantala, dinepensahan naman ng attorney-general ni Trump na si Jeff Sessions ang immigration policy ng kanilang bansa. Ginamit pa nito ang Bibliya na nagsabi umanong kailangang i-prosecute at ikulong ang sinumang taong papasok nang iligal sa teritoryo ng isang bansa.

Samantala, ngayong madaling araw naman ay lumagda si Trump ng isang executive order na tumatapos sa pagkakawatakwatak ng mga pamilya sa US border.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.