Bagyong Lando halos hindi gumalaw, public storm warning sa Metro Manila, inalis na ng PAGASA
Halos hindi kumilos ang bagyong Lando sa 5 kilometers kada oras na galaw nito habang tumatahak sa direksyon West Northeast.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Lando ay huling namataan sa 20 kilometers West ng Vigan City, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 150 kilometers kada oras.
Ang bagyong nasa labas ng bansa na may international name na Champi at ang high pressure area ang nakapagpapabagal sa kilos ng bagyong Lando.
Sa ngayon nananatiling nakataas ang public storm warning signal number 2 sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet at Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan group of Islands.
Signal number 1 naman sa mga lalawugan ng Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Isabela at Batanes.
Ayon sa PAGASA, dalawang araw pang makararanas ng malakas na pag-ulan ang Northern at Central Luzon at sa Sabado at Linggo ay saka pa lamang unti-unting gaganda ang panahon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.