P168M na halaga ng gamit sa pagsasaka, ipinamahagi sa Central Mindanao

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 20, 2018 - 06:32 AM

DA Photo

Aabot sa P168 million na halaga ng mga farm machinery at equipment ang ipinamahagi sa mga magsasaka sa apat na lalawigan sa Central Mindanao ng Department of Agriculture.

Tinangap ng mga farmer leaders ang mga kagamitan kabilang ang 24 na unit ng modernong pang-ani ng palay at bigas, farm tractors at iba pa.

Pinangunahan ni DA Sec. Manny Piñol ang pamamahagi ng mga kagamitan.

Ayon kay Piñol, ang Pilipinas ang may pinakamababang farm mechanization rate sa mga bansa na miyembro ng ASEAN dahilan para maglaan ang administrasyong Duterte ng bilyon-nilyong piso para maipambili ng mga makabagong gamit pangsaka at pangisda.

Maliban sa pamamahagi ng mga gamit, nag-aalok din ang DA ng Agriculture and Fisheries Machinery and Equipment Loaning Program.

Sa ilalim ng programa nagkakaloob ng loan ang DA sa mga nais makabili ng tractors, harvesters at iba pang farming equipment at ang interest ay 2 percent lang kada taon na babayaran sa loob ng walong taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Agriculture, farm equipment, modern harvester, Department of Agriculture, farm equipment, modern harvester

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.