Ill-gotten wealth case laban sa mga Marcos, ibinasura ng Korte Suprema
Ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) na bawiin ang umano’y nakaw na yaman ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at cronies nito na tinatayang aabot sa P51 bilyon.
Sa desisyon na ibinaba ng SC, sinabi nito na hindi sapat ang naging mga testimonya para patunayan na may mga naging sabwatan para malikom ang nasabing nakaw na yaman.
“It finds that these are not sufficient to establish that the [respondents] engaged in ‘schemes, devices or stratagems’ to acquire ill-gotten assets,” ayon sa desisyon ng SC.
Pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ang nauna nang desisyon ng Sandiganbayan noong 2010 at 2011 na ibasura ang reklamong inihain ng PCGG dahil sa bigo itong patunayan ang alegasyon.
Ang P51 bilyon ill-gotten wealth case ay inihain ng PCGG noong July 23, 1987.
Kabilang sa mga respondents ay sina former First Lady Imelda Marcos, representative of the Marcos estate, dating construction magnate Rodolfo Cuenca, kanyang anak na si Roberto Cuenca, dating Philippine National Bank president Panfilo O. Domingo, dating Trade Minister Roberto Ongpin, dating Development Bank of the Philippines officer Don Ferry at 11 iba pa.
Sa nakalipas na 31 taon ay umabot na sa P170 bilyon ang nabawi ng PCGG sa sinasabing nakaw na yaman ng mga Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.