Pagresolba sa Maguindanao massacre pinamamadali ni Pangulong Duterte

By Justinne Punsalang June 20, 2018 - 04:04 AM

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad makapaglabas ng ruling ngayong taon ang prosecutor patungkol sa Maguindanao Massacre na naganap noong 2009.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inutusan ng pangulo ang prosecution panel na sikaping makakuha ng partial judgment nayong taon mula sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) laban sa 197 akusado sa naturang massacre.

Ani Roque, ito ang marching order ni Pangulong Duterte matapos niyang makausap ang prosecution panel at umaasa ang Malacañan na maisasakatuparan ito sa lalong madaling panahon.

Ang pagdinig sa Maguindanao Massacre ay ginaganap sa QC RTC Branch 221 sa ilalim ni Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Sa 197 na mga akusado, 115 na ang naaresto dahil sa pagpaslang sa 58 katao, kabilang ang mga mamamahayag, mga abugado, at mga political supporters.

Pangunahing akusado sa Maguindanao Massacre si Andal Ampatuan Jr.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.