Residential area sa Pasig at Valenzuela City tinupok ng apoy

By Justinne Punsalang June 20, 2018 - 02:46 AM

FEPAG EMS

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naganap sa isang apartment building sa Barangay Caniogan, Pasig City.

Ayon sa Pasig City Fire Department, alas-12:09 ng hatingggabi nang sumiklab ang apoy mula sa unit na inookupa ng isang Eduardo Legaspi.

Bandang alas-2:19 ng madaling araw nang tuluyang maapula ang sunog.

Nabatid na pag-aari ng isang Francisco Legaspi ang apartment building.

Dahil sa sunog ay walang matirhan ngayon ang anim na pamilya. Umabot naman sa P600,000 halaga ng mga ari-arianb ang naabo dahil sa naturang pagliliyab.

Samantala, sa Valenzuela naman ay nananatiling nasa ikalawang alarma ang sunog sa isang residential area sa Barangay Gen. T. De Leon.

Sinasabing nagmula ang apoy sa naiwang blow torch sa isang tindahan ng mga kagamitang gawa sa kahoy.

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang naturang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.