Angelica Panganiban at Carlo Aquino nagdiwang ng kanilang ‘anniversary’

By Justinne Punsalang June 20, 2018 - 12:00 AM

Angelica Panganiban Instagram

Tiyak na kinikilig ngayon ang mga tagahanga nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Ito ay matapos silang kapwa mag-post sa kani-kanilang mga Instragram account ng mga sweet na litrato.

June 18 nang magpost si Angelica na may caption na anniversary pala nilang dalawa noong June 17.

Hindi naman malinaw kung anong anibersaryo ang tinutukoy ng Kapamilya actress ngunit posibleng tungkol ito sa kanilang anniversary nang sila ay magkarelasyon pa noon.

Sa hiwalay na post ni Carlo, sinabi nito na masaya siyang bahagi ng kanyang puso si Angelica.

Kaya naman palaisipan sa mga fans at netizens kung nagkabalikan na ba sina Angelica at Carlo.

Matatandaang naging magkarelasyon ang dalawang mga aktor sa loob ng anim na taon simula 2000 hanggang 2006.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.