LPA at hanging habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw

By Rhommel Balasbas June 20, 2018 - 12:37 AM

Dalawang weather systems ang inaasahang magdadala ng pag-ulan ngayong Miyerkules sa ilang bahagi ng bansa ayon sa PAGASA.

Sa kanilang weather advisory Martes ng hapon, sinabi ng PAGASA na magdadala ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Eastern Visayas ang low pressure area (LPA) na namataan sa layong 435 kilometers Silangan ng Legazpi City, Albay.

Makakaapekto naman sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Babuyan Group of Islands ang hanging habagat.

Inaasahan ang maulap na papawirin sa mga nabanggit na lugar na mayroong mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan.

Mararanasan naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan bunsod lamang ng localized thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.