Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sa Pilipinas gawin ang usapang pangkapayapaan.
Ito ay kahit sinabi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na walang mangyayari kung sa bansa gagawin ang peace talks.
Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Government Service Insurance System (GSIS), sinabi ng Pangulo na bakit siya makikipag-usap sa mga rebelde sa labas ng bansa.
Una nang sinabi ni Sison na posibleng mag-collapse ang peace talks kung ididikta ni Pangulong Duterte ang venue kung saan itutuloy ang negosasyon.
Sa nakalipas na mga peace talks ay sa Norway ito ginagawa bilang third party facilitator pero sinabi na rin ng Pangulo na tatanggalin na ang bansa bilang mediator.
Gayunman, tiniyak ni Duterte kay Sison na ligtas ito pagdating sa Pilipinas.
Pero inulit ng Pangulo na kapag walang nangyari sa peace talks sa loob ng 60 araw ay hindi na makakabalik sa bansa si Sison.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.