Comelec hindi na mag-iisyu ng voter’s ID
Hindi na mag-iisyu ng voter’s ID ang Commission on Elections (Comelec).
Sa abiso ng Comelec sa pamamagitan ng tagapagsalita na si Director James Jimenez, ipinagbigay-alam sa publiko na hindi na maglalabas pa ng voter’s ID ang Comelec para sa mga botante.
Ito ay dahil sa nalalapit na pagsasabatas ng National ID system.
Ayon pa kay Jimenez, taong 2012 nang tumigil ang Comelec sa pag-imprenta mga voter’s ID.
Sa kabila nito sinabi ni Jimenez na maari pa rin namang kumuha ng voter certification ang mga botante kung kanilang kakailanganin.
Ang voter certificate na patunay ng pagiging rehistradong botante ay maaring kunin sa local Comelec offices kung saan nakarehistro ang botante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.