15 na mga modernong jeep nagsimula nang bumiyahe ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 19, 2018 - 08:19 AM

DOTr Photo

Nagsimula nang bumiyahe ngayong araw ang labinglimang mga bagong pampasaherong jeep na bahagi ng PUV modernization program ng pamahalaan.

Ang labinglimang modern na jeep ay may biyaheng Star City/CPP patungong PICC at GSIS/Senate patungong MOA hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange.

Partikular na pakikinabangan ito ng mga patungong CCP Complex at maging ng mga empleyado ng Senado.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang 15 mga bagong jeep ay madaragdagan pa ng 20 pa sa buwan ng Hulyo.

Noong Lunes, inilusand ng DOTr ang mga modern na jeep kasama ang LTFRB at sina Senate President Vicente Sotto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at Senator Sherwin Gatchalian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, modern jeepneys, PUV modernization program, Radyo Inquirer, Senate, dotr, modern jeepneys, PUV modernization program, Radyo Inquirer, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.