Pito ang patay sa pagtaob ng bangka sa Guimaras

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2015 - 10:59 AM

Jaen NE Bridge Corona (1)
Jaen Nueva Ecija / Jun Corona

Patay ang pitong katao habang dalawa pa ang nawawala matapos tumaob ang sinasakyan nilang motorboat sa karagatang sakop ng Iloilo at Guimaras sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lando kahapon.

Ayon kay Lt. Junior Grade Edison Diaz, commander ng Coast Guard Iloilo station, kinilala ang mga nasawi na sina Cora Ganila; Mark Mata, 9; Luke Shile Mata, 6; Christine Daryle Vasquez at Mary Ann Gallego na pawang mga pasahero ng tumaob na M/B Tawash.

Patay din ang dalawang crew ng bangka na sina Larry Abilla, 59 at Ruben Gania, 54.

Habang nawawala naman sina CJ Gamotea at Shine Mata na ina ng nasawing magkapatid na sina Mark at Luke Shile.

Una nang nailigtas ang 32 pang pasahero at crew members ng M/B Tawash ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Ang dalawa sa mga nailigtas na pasahero ay nananatili sa ospital.
Patungo ng Jordan Port sa Guimaras mula sa Iloilo Citya ng nasabing bangka nang ito ay bayuhin ng malakas na hangin at mataas na alon.

TAGS: EffectsofTyphoonLando, EffectsofTyphoonLando

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.