Panibagong oil price hike epektibo ngayong araw

By Justinne Punsalang June 19, 2018 - 04:24 AM

AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Ipapatupad ngayong araw ang panibagong dagdag-singil sa preyo ng mga prduktong petrolyo.

Tataas ng 20 sentimo kada litro ang halaga ng gasolina, habang 45 sentimo naman ang itataas sa presyo ng bawat litro ng diesel at kerosene o gaas.

Kabilang sa mga nag-anunsyo na magpapatupad ng naturang oil price hike ay ang mga kumpanyang Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, Pilipinas Shell, PTT, SeaOil, at Total na epektibo mamayang alas-6 ng umaga.

Ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ay matapos ang dalawang linggong rollback. Ayon sa Department of Energy (DOE) ito ay bunsod ng patuloy na malikot na galaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

TAGS: oil price hike, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.