Iisang Negros province, posible sa ilalim ng iisang federal state

By Rod Lagusad June 19, 2018 - 04:08 AM

Nakapanunkala ngayon ang pag-iisa sa dalawang lalawigan ng Negros sa ilalim ng iisang federal state nakapaloob sa panukalang federal constitution.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Jonathan Malaya , ito ang Negrosanon Federated Region (NFR) na kung saan maaring makasama rin ang lalawigan ng Siguijor.

Aniya ito ay mas sustainable at nakaayon sa mandato ng bagong konstitusyon.

Kinumpara ni Malaya ito sa sa binuwag na Negros Island Region (NIR) na naipatupad sa panahon ni Pangulong Aquino.

Aniya ang NIR kasi ay nasa ilalim ng unitary system kaya ang mga regional offices noon ay nasa ilalim pa din ng national government pero kapag ganap na maipatupad ang Federalism ay magiging regional government na ito.

Naniniwala naman si ConCom member Prof. Edmund Tayao na ang naturang panukala ay magtatagal dahil mas magkakaroon ng kapangyarihan ang regional government sa pondo nito. Hindi na aniya kinakailangan na maghintay sa pag-apruba mula sa national government.

TAGS: federalism, negros, federalism, negros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.