49 bayan sa Luzon wala pa ring kuryente-DOE
Dahil sa epekto ng bagyong Lando, maraming bayan sa Northern at Central Luzon ang wala pa ring suplay ng kuryente.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), binaha ang Cabanatuan Sub-Station, habang gumuho naman ang bahagi ng perimeter fence ng Bolo, Labrador, Pangasinan Sub Station dahil sa malakas na hangin.
Sa ulat ng NGCP sa Department of Energy (DOE) narito ang mga lugar na nanatiling walang suplay ng kuryente:
• Cagayan:
– Ilang bahagi ng Aparri
– Ballesteros
– Abulug
– Sanchez Mira
– Claveria
– Pamplona
– Sta Praxedes
• Isabela
– Bahagi ng Ilagan City
– Bahagi ng Cauayan City
• Apayao
– Flora
– Sta Marcela
– Luna
– Pudtol
– Calanasan
• Nueva Vizcaya
– Bambang
– Sta. Fe
– Aritao
– Kayapa
– Bayombong
– Parts of Solano
– Ambaguio
– Bonfal
– La Torre
– Masuc
• Nueva Ecija
– Natividad
– Llanera
– Palayan
– Bongabon
– Gabaldon,
– Laur
– Rizal
– Talavera
– San Isidro
– San Roque
– Sapang
– Jaen
– Gapan
– Zaragoza
• Aurora
– Dingalan
– Dipaculao
– Ma. Aurora
– San Luis
– Baler
• Tarlac
– Concepcion
– La Paz
• Cavite
– Rosario
• Quezon
– Real
– Infanta
– Gen Nakar
• Pampanga
– Bahagi ng San Fernando
Samantala sa ulat ng Meralco 0.21 % na lamang o nasa 11,803 na customers nila ang walang kuryente sa ngayon, karamihan sa mga ito ay mula sa Metro Manila.
Patuloy ang ginagawang pagkukumpuni ng NGCP at Meralco sa mga apektadong lugar upang agad maibalik ang suplay ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.