25 nakakulong na Pinoy sa Qatar, palalayain na

By Angellic Jordan June 17, 2018 - 10:41 AM

Inquirer file photo

Papalayain na ang 25 Pilipinong nakakulong sa bansang Qatar.

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na hindi pangkaraniwan ang naging desisyon ng Qatari government dahil kadalasan, isa o haggang tatlong katao lamang ang pinapalaya nito.

Malilipat ang mga nakadetineng Pinoy sa kustodiya ng mga opisyal ng Pilipinas sa Lunes, June 18.

Ang naturang desisyon aniya ay bahagi ng Eid’l Fitr celebration ng Qatar at ang katatapos lang na Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

Samantala, sinabi rin ng kalihim na aakuin nito ang gagastusin sa repatriation ng mga Pilipino.

Mabibigyan din aniya ang mga ito ng trabaho o tulong-pinansiyal para magsilbing kapital sa sisimulang negosyo.

TAGS: DOLE, Eid'l Fitr, Qatar, DOLE, Eid'l Fitr, Qatar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.