Kilos-protesta welcome sa SONA ni Duterte

By Den Macaranas June 16, 2018 - 03:17 PM

Malaya ang mga militanteng grupo pati na rin ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-protesta at mag-rally kasabay ng kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa buwan ng Hulyo.

Pero may kundisyon na ibinigay ang pangulo at ito umano ay dapat nilang sundin.

Ayon kay Duterte, malaya ang lahat na maglabas ng kanilang saloobin sa mga isyu sa bansa pero walang karapatan sinuman ang manggulo para lamang sa kanyang gustong ihayag sa publiko.

Kapag sinamahan umano ng panggugulo ang anumang uri ng kilos-protesta ay kakaharapin na nila ang pwersa ng pamahalaan.

Sa kanyang mga naunang pahayag ay sinabi ng pangulo na may kalayaan ang bawat Pinoy na siya pansinin lalo na sa mga polisiya ng kanyang administrasyon.

Pero naglabas naman siya ng babala sa mga dayuhan na mang-aalispusta sa kanya at ito daw ay hindi niya palalagpasin.

Ang SONA ng pangulo ay nakatakda tuwing ikatlong Lunes ng buwan ng Hulyo kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kamara at ng Senado.

TAGS: duterte, kilos-protesta, PNP, Rally, SONA, duterte, kilos-protesta, PNP, Rally, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.