Pinuno ng Taliban sa Afghanistan patay sa drone strike ng US

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 15, 2018 - 07:53 PM

AP FILE PHOTO

Nasawi ang pinuno ng Taliban sa Afghanistan na si Mullah Fazlullah matapos matamaan sa drone strike ng Estados Unidos.

Naganap ang insidente sa Kunar province, Huwebes ng umaga kung saan kumpirmadong namatay si Fazlullah ang insurgent leader na nag-utos ng pagpatay sa Nobel Peace Prize winner na si Malala Yousafzai. Nakaligtas si Yousafzai sa nasabing tangkang pagpatay.

Ayon kay Afghan Defense Ministry spokesman Mohammad Radmanish, maliban kay Fazlullah dalawa pang kasamahan niya ang nasawi sa nasabing strike.

Nagsagawa ng counterterrorism strike ang US sa border region sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan target ang tinukoy na “senior leader” ng isang “terrorist organization.”

Sa hiwalay na pahayag ng Estados Unidos, hindi binaggit kung may nasawi sa kanilang strike.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drone strike, Mullah Fazlullah, pakistan, Taliban, drone strike, Mullah Fazlullah, pakistan, Taliban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.