Mensahe ni Pangulong Duterte ngayong Eid’ Fitr sumentro sa pangmatagalang pangkapayaan sa bansa
Sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Eid’l Fitr, pinasalamatan nito si Alah sa patuloy na pagbibigay sa bansa ng lakas upang malampasan ang mga hamon ng mga may naliligaw na idiolohiya, mga terorista at mga ekstremista.
Sinabi nito nakiisa siya sa lahat ng kapatid na Muslim sa pagdiriwang ngayong pagtatapos ng Ramadan.
Panahon aniya ito para balikan ang mga nagawang hakbangin para matamo ang nararanasang pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa.
Umaasa ang pangulo na magiging inspirasyon para sa lahat ang Eid’l Fitr para sa mas malawak na pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya at kultura ng mga Pilipino.
Mangibabaw din aniya ang pag-ibig at pagkakaintindihan sa buong bansa para sa pagsisikap ng lahat na magkaroon ng makatotohanang pagbabago ng Pilipinas para sa bawat Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.