Kadamay na mang-aagaw ng bahay aarestuhin ng PNP
Nakahanda magbigay ng alalay ang Philippine National Police sa National Housing Authority (NHA) upang maprotektahan ang mga pabahay ng gobyerno na susubukang pasukin o angkinin ng grupong Kadamay.
Kaugnay nito ay agad namang nagbabala si PNP Chief Oscar Albayalde sa mga myembro ng Kadamay na maari silang arestuhin kung sakaling magpumulit ang mga ito na pasukin o tirahan ang isang bahay na may nag-mamay-ari na.
Paliwanag ni Albayalde, kasong trespassing ang posibleng harapin ng sinumang manghihimasok sa isang ari-arian ng walang permiso mula sa may-ari.
Kaniya namang tiniyak na hindi na nila muling papayagan na okupahin ng mga ito ang ilang pang pabahay ng gobyerno na nakalaan para sa mga uniformed pesonel tulad ng ginawa ng mga ito sa Pandi Bulacan.
Kahapon, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP na huwag payagang okupahin ng grupong Kadamay ang mga pabahay na nakalaan sa mga pulis at sundalo.
Ito’y kasunod na rin ng insidente noong Martes kung saan aabot sa nasa 500 miyembro ng Kadamay ang lumusob sa isang housing project sa Rodriguez, Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.