Mga Muslim sa Cebu City nagtipon-tipon para sa congregation prayer

By Cebu Daily News, Donabelle Dominguez-Cargullo June 15, 2018 - 12:29 PM

CDN Photo

Sa Cebu City, nagtipon-tipon din ang nasa halos 1,500 na mga Muslim para sa maagang congregation prayer na bahagi ng pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan.

Alas 6:00 pa lang ng umaga nasa Plaza Independencia na ang mga nakilahok sa pagtitipon dala ang kanilang prayer mats.

May parehong aktibidad din na idinaos sa walo pang mga mosque sa lungsod.

Si Ustadz Salih Sarigan ang Imam na namuno sa congregation prayer sa Plaza Indepedencia na nagtapos din agad bago mag alas 8:00 ng umaga.

Sa datos ng Cebu City Office on Muslim Affairs, nasa 1,000 Muslim families o 8,000 Muslim individuals ang naninirahan sa lungsod.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cebu daily news, Eid'l Fitr, End of Ramadan, Radyo Inquirer, cebu daily news, Eid'l Fitr, End of Ramadan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.