Hybrid Con-Con ipinanukala ni Senate President Tito Sotto

By Rohanisa Abbas June 15, 2018 - 03:31 AM

May solusyon na si Senate President Tito Sotto sa deadlock sa paraan ng botohan sa sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas ng 1987.

Ipinanukala ni Sotto ang pagkakaroon ng ng “hybrid” na constitutional body na boboto rito. Bubuuin ito ng 12 senador, 12 miyembro ng Mababang Kapulungan, 12 nominees ni Pangulong Rodrigo Duterte, at 12 nominees ng civil society.

Nais kasi ng Kamara na magkaroon ng constituent assembly at magkasamang boboto ang dalawang kapulungan, pero gusto naman ng Senado na hiwalay bumoto ang Kongreso.

Una nang ipinahayag ni dating Chief Justice Reynato Puno na suportado niya ang isang “hybrid” na constitutional convention. Aniya, bubuin kasi nito ng mga kinatawang pinili ng publiko at mga eksperto mula sa iba’t ibang sangay na walang self-interest.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.