Planong pagsasampa ng kaso ni Paolo Duterte tinawag na harassment ni Sen. Trillanes
Tiniyak ni Senator Sonny Trillanes IV na haharapin niya ang anumang isasampang kaso laban sa kanya ni dating Davao City Vice Mayor at presidential son Paolo Duterte.
Sa pahayag, iginiit ni Trillanes na walang kabuluhan ang kaso at layon lang aniya ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilihis ang atensyon ng publiko mula sa mga negatibong isyung kinahaharap ng gobyerno.
Giit ng senador sa isinagawang pagdinig sa Senado ukol sa P6.4 billion shabu smuggling case na pumutok sa mukha ng Bureau of Customs, idinawit nito si Paolo Duterte sa iskandalo.
Ayon kay Trillanes nakapag-prisinta naman siya ng mga ebidensiya na mag-uugnay kay Paolo Duterte sa mga nasasangkot sa naturang iskandalo.
Pagdidiin pa nito na ginagamit ng administrasyon ang hudikatura laban sa kanilang mga kritiko.
Una nang sinabi ni Paolo Duterte na kakasuhan niya si Trillanes dahil sa mga malisyosong bintang at pahayag nito laban sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.