MRT may libreng sakay sa mga magdo-donate ng dugo sa Red Cross ngayong World Blood Donor Day

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 14, 2018 - 07:21 AM

Bilang paggunita sa World Blood Donor Day, magsasagawa ng bloodletting activity ngayong araw ang DOTr-MRT-3 at ang Philippine Red Cross.

Sa abiso ng MRT-3, gagawin ang bloodletting sa Philippine Red Cross, National Blood Center sa EDSA kanto ng Boni Avenue malapit sa Boni Station.

Kaugnay nito, bibigyan ng libreng sakay ng MRT-3 ang mga blood donors na sasakay sa Boni Station pagkatapos nilang makapag-donate ng dugo sa Red Cross.

Ang libreng sakay ay mula alas 8:00 hanggang alas 9:00 ng umaga.

Para makapag-avail ng libreng sakay, kailangang ipakita ang Donors Card pagpasok sa Boni Station, bibigyan ang donor ng magnetic single journey ticket ng security personnel at pagdating niya sa destinasyon ay ihuhulog niya ang ticket sa box bago lumabas ng service gate.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, mrt3, Radyo Inquirer, red cross, WOrld Blood Donor Day, dotr, mrt3, Radyo Inquirer, red cross, WOrld Blood Donor Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.