Tatlong bayan sa Aurora, isolated

By Isa Avendaño-Umali October 18, 2015 - 01:42 PM

Picture by team response 48 project noah at nababaha.ph
Picture by team response 48 project noah at nababaha.ph

Balak ni Aurora Governor Gerardo Noveras na magdeklara na ng State of Calamity sa lalawigan matapos bayuhin ng bagyong Lando.

Ayon kay Noveras, isolated na ang mga bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag dahil sa mga pag-guho ng lupa.

Hindi na rin madaanan ang Baler-Casiguran Road. Wala pa ring komunikasyon ang provincial government ng Aurora sa tatlong bayan ayon kay Noveras.

Bahagyang bumuti na ang lagay ng panahon sa Aurora at sinimulan na ang clearing operations sa mga daan na may mga naputol na puno at gumuhong lupa.

Sa kasalukuyan ay nasa mahigit tatlong libong pamilya o sampung libong katao na ang nasa iba’t ibang evacuation centers.

TAGS: aurora province, gov. noveras, State of Calamity, aurora province, gov. noveras, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.