Lalaki pinatay ang apat na bata kabilang ang dalawang anak bago magbaril sa sarili

By Rhommel Balasbas June 13, 2018 - 06:59 AM

Volusia County Corrections Photo

Karumal-dumal na pinagbabaril ng isang lalaki ang apat na bata bago magbaril sa sarili sa Florida, USA.

Kinilala ang suspek na si Gary Wayne Lindsey Jr. 35 anyos, kung saan kanyang hinostage ang mga batang kinilala lamang sa mga pangalang Iraya, 12 taong gulang; Lilia, 10 taong gulang; Aidan, anim na taong gulang at Dove, isang taong gulang.

Ayon kay Orlando Police Department Chief John Mina, dalawa sa mga bata ay anak ni Lindsey habang ang dalawang iba pa ay hindi na ibinunyag pa ang pagkakakilanlan.

AP Photo

Hindi pa malinaw kung kailan pinaslang ang apat na bata ngunit ayon sa pulisya, nang bigyan ng telepono ang suspek upang makausap ay napag-alamang isa na sa mga bata ang patay.

Dito na nagdesisyon ang mga pulis na pasukin ang apartment na kinaroroonan ni Lindsey upang iligtas ang mga bata ngunit ayon kay Mina, nagtapos ito sa trahedya.

Nang komprontahin na ng mga pulisya si Lindsey ay pinaputukan nito ng baril ang mga pulis dahilan para magtamo ng tama si Officer Kevin Valencia na nasa kritikal na kondisyon ngayon.

Tumagal ang komprontasyon sa pagitan ng mga awtoridad at ng suspek ng 21 oras.

Napag-alamang maraming beses nang naaresto ang suspek sa nakalipas na 15 taon.

TAGS: 4 bata patay, florida, Orlando Police Department Chief John Mina, suspek nagbaril sa sarili, usa, 4 bata patay, florida, Orlando Police Department Chief John Mina, suspek nagbaril sa sarili, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.