Sumadsad sa bisinidad ng Manila Bay ang isang tug-boat at barge na may kargang coal o uling.
Ayon Kay Philippine Coast Guard Spokesperson, Lt. Commander Armand Balilo, inaalam na nila kung sino ang may-ari ng tugboat na ang pangalan ay Many plus 1 at ang barge na AZ Shanghai.
Sakay ng tug-boat ang sampung mga tripulante na inaalam na rin ng PCG ang mga pagkakakilanlan.
Nabatid na sumadsad sa Manila Bay ang tug-boat at barge matapos hampasin ng malalaking alon.
Halos dalawampung Metro lamang ang layo ng pinagsadsaran ng mga naturang sasakyang pandagat mula sa baywalk sa Roxas Blvd. sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.