Pilipinas naging tunay na malaya sa panahon ni Pangulong Duterte — House Speaker Alvarez
Inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sa panahon lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte naging tunay na independent nation ang bansang Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa paggunita ng ika-120 taon ng kasarinlan ng bansa sa Tagum City, Davao del Norte sinabi ni Alvarez na ito ay kasunod ng major shift sa foreign policy ng Duterte administration.
Sinabi nito na simula July 4, 1946 nang bigyan ng Amerika ng Pilipinas ng kalayaan hanggang sa termino ng nakalipas na administrasyon ay nanatiling kontrol ang Estados Unidos ang bansa kabilang ang pulitika at ekonomiya.
Paliwag nito, bago ang panunungkulan ni Duterte, Amerika lamang ang kaibigan ng bansa pero sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon naging kaibigan ng Pilipinas ang lahat kabilang na ang China, Russia, at Korea.
Naniniwala din si Alvarez na marami sa tumutuligsa sa foreign policy ng administrasyon ay galing sa Amerika at mga kaalyado nito na hindi komportable sa katotohanan na kumalas sa kontrol ng US ang bansa.
Gayunman, tiniyak nito na ang tanging motibasyon ng foreign policy shift ng administrasyon ay ang kapakanan ng mga Pilipino.
Si Alvarez, kasama si Representative Monsour Del Rosario, at Tagum City Mayor Allan Rellon ang nanguna kaninang umaga sa selebrasyon ng Kalayaan ng bansa sa City Hall ng Tagum City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.