Pangulong Duterte personal na magpapasalamat sa Kuwaiti government
Tutulak patungong Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mahigit 3,000 bagong barangay officials sa ASEN Convention Center sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, sinabi nito na gusto niyang personal na pasalamatan ang gobyerno ng Kuwait.
Ito ay dahil sa pagtanggap ng nasabing bansa sa mga inilatag na kondisyon para bawiin na ang deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na ipinatupad noong Pebrero.
Bilib ang pangulo sa mga opisyal ng Kuwait dahil inintindi nila ang kanyang galit at mura noon matapos matagpuan ang bangkay ng OFW na si Joana Demafelis na nakalagay sa freezer sa loob ng mahigit isang taon.
Nagpapasalamat ang pangulo dahil tinanggap ng Kuwait ang kanyang kundisyon na tratuhin nang maayos ang mga OFW, walang body contact, walang kumpikasyon ng passport at cellphone, at magkaroon ng sariling pagkain at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.