Heavy rainfall warning nakataas sa 4 na lalawigan base sa 11:00AM rainfall advisory ng PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 12, 2018 - 11:14 AM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa apat na lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Sa 11:00AM rainfall advisory ng PAGASA, yellow warning ang nakataas sa Zambales, Bataan, Cavite, at Batangas.

Ito ay dahil pa rin sa tuloy-tuloy ay malakas na pag-ulan na nararanasan dulot ng Habagat.

Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa nasabing mga lugar.

Samantala, inalis na ng PAGASA ang yellow warning sa Metro Manila at sa iba pang mga lalawigan.

Sa ngayon sinabi ng PAGASA na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na lang at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Rizal, Laguna, Nueva Ecija, at Quezon.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], weather, Pagasa, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.