Mga Pinoy na kuntento sa takbo ng demokrasya sa bansa bahagyang bumaba ayon sa SWS

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 12, 2018 - 08:56 AM

Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pinoy na nagsabing sila ay kuntento sa “takbo ng demokrasya sa Pilipinas”.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa unang quarter ng 2018 na ginawa noong March 23 hanggang 27, 2018, lumitaw na 78% ng mga Pinoy ang nagsabing sila ay kuntento sa pamamaraan ng pagpapatakbo ng demokrasya sa bansa.

Mas mababa ito ng dalawang puntos kumpara sa 80% na naitala noong June 2017.

Tinanong sa mga respondent sa nasabing survey kung sila ba ay “lubos na nasisiyahan, medyo nasisiyahan, hindi nasisiyahan o lubos na hindi nasisiyahan sa takbo ng demokrasya sa Pilipinas?”.

Ang pagiging kuntento ng mga Pinoy sa demokrasya ng bansa ay pinakamataas noong June 2010 kung saan nakapagtala ng record-high na 86 percent.

Ang March 2018 survey ng SWS ay mayroong 1,200 adult respondents sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: democracy, Radyo Inquirer, survey, SWS, democracy, Radyo Inquirer, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.