WATCH: Sabayang pagpapalipad ng puting kapalati bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day sa Camp Crame

By Mark Makalalad June 12, 2018 - 08:42 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Nakiisa ang Philippine National Police sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Alas-7:00 ng umaga nagsimula ang programa sa multi-purpose sa Camp Crame na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng PNP at pinangunahan ni Deputy Director for Administration Ramon Apolinario.

Sa naturang pagdiriwang, sinariwa ng PNP ang pakikibaka ng bansa para makamit ang kasarinlan at sabay-sabay na umawit ng ‘Pilipinas Kong Mahal’.

Nagpalipad din ang mga opisyal ng mga puting kalapati sa kalangitan.

Sa Cebu, sabayan ding nagpalipad ng kulay puting kalapati ang mga tauhan ng PRO-7.

Samantala, bilang pakikiisa pa rin sa pambansang pagdiriwang, nagpadala naman ng contingent ang PNP sa multi-sectoral civic-military parade sa Quirino Grandstand at Rizal Park.

Bukod dito, aktibong rin ang partisipasyon ng PNP sa iba’t-ibang aktibidad sa Rizal Park tulad ng Musikalayaan Concert, mga Pampamahalaang Program at Serbisyo, Jobs Fair, Free Medical/Dental/Optical Services, at PNPA Slow Drill at Static Display.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Araw ng Kalayaan, independence day, PNP, Radyo Inquirer, Araw ng Kalayaan, independence day, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.