Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang Commission on Election (COMELEC) officer matapos itong pagbabarilin sa Barangay 4 Poblacion sa Bauan, Batangas.
Kinilala ang nasawing biktima na si Noel Meralles na isang election officer na nakatalaga sa COMELEC Mabini.
Batay sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad, pauwi na si Meralles at naghihintay ng masasakyan nang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin.
Walang pag-aatubili ay ilang beses na pinaputukan ng mga suspek ang biktima bago tumakas sakay ng isang motorsiklo.
Isinugod pa sa Bauan General Hospital si Meralles ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaslang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.