Rep. Alejano, hinamon ang publiko na huwag siyang iboto sa 2019 elections kung siya ay nagsisinungaling
Naghamon sa publiko si Magdalo Rep. Gary Alejano na huwag siyang iboto sa 2019 elections kung nagsisinungaling siya sa kanyang pahayag na inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ng militar ang patrolya sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ni Alejano sa gitna ng batikos sa kanyang sinabi na inutusan ang militar na huwag nang magpatrulya sa naturang teritoryo.
Sinabihan ang kongresista na layon lang umano ng expose nito na sumikat para sa kanyang pagtakbo bilang senador sa susunod na taon.
Pero iginiit ni Alejano na ang kanyang pahayag ay hindi ukol sa kanya kundi tungkol sa bansa.
Nanindigan ang kongresista na hindi siya magbubunyag ng isang bagay kung hindi 100 percent na tiyak ang kanyang sinasabi at hindi siya nag-aalala na makaka-apekto ito sa kanyang senatorial bid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.