Scarborough Shoal, nanatiling kontrolado umano ng China
Kontrolado pa rin umano ng China ang Scarborough Shoal, patunay ang pangunguha nila ng huling isda ng mga mangingisdang Pilipino.
Sa presscon sa Malakanyang, sinabi ng isa sa mga mangingisda na si Romel Cejuela na kinuhanan ng huling isda ng Chinese Coast Guard na sa tingin niya ay kontrolado pa rin ng China ang teritoryo dahil wala namang bantay ang tropa ng gobyerno sa lugar.
Nananatili aniya ang Chinese Coast Guard sa bahura kahit may ilang maliliit na barkong Pilipino ang nakakapangisda na sa lugar.
Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag ng mangingisda at hindi aniya ito binabalewala ng gobyerno.
Patuloy anyang ipinagtatanggol ng pamahalaan ang interes at kapakanan ng mga mangingisdang Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.