Kasunod ng pagpatay sa mga pari, pagbuhay sa parusang bitay muling ipinanawagan ng VACC

By Rohanisa Abbas June 11, 2018 - 12:57 PM

Kasunod ng mga pagpatay sa mga pari, muling iginiit ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagbuhay sa parusang kamatayan.

Ayon kay VACC Vice Chairman Arsenio Evangelista, iginagalang ng VACC ang posisyon ng Simbahang Katolika laban sa death penalty, pero umaasa sila na mababago ng mga insidente ang posisyong ito.

Sa loob ng anim na buwan, aabot sa tatlong pari ang nasawi sa pananambang.

Pinakahuli rito ang pagpaslang kay Father Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan kahapon. Sinabi ni Evangelista na posibleng may kinalama sa adbokasiya ng mga pari ang motibo sa mga insidente.

Aniya, naghahanda na ang VACC para imbestigahan ang mga ito.

Ayon kay Evangelista, dadalo sana sa isang national debate sa ibang religious groups si Nilo na isa sa mga tinitignang anggulo sa krimen. Pero sinabi ni Evangelista na personal siyang hindi naniniwala dito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, vacc, Radyo Inquirer, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.